44

Jun 30, 2020 @ 15:46
By

Zirkoh, Klownz ni Allan K. tuluyang nagsara

Hindi na muling magbubukas ang dalawang tanyag na comedy bar sa Quezon City matapos ianunsyo ng ilang performer ang pagsasara nito makalipas ang dalawang dekada.

Kinumpirma ng performer na si Phillip Lazaro ang pagsasara ng Klownz at Zirkoh, na pagmamay-ari ni komedyanteng si Allan K.

“Sa aking mga kasama at kapatid sa Klownz at Zirkoh, let us all say a little prayer for one another and hug each other in our hearts. Sa aming mga napatawa at napasaya sa mga lumipas na taon, the pleasure was definitely ours. Sa aming mga boss, Sir Lito at A.K., thanks for the opportunity. Marami pong salamat sa inyong lahat at sa uulitin. B O W,” saad sa Facebook post ni Lazaro.


Ang dalawang bar ay naging tahanan ng ilang makeup artist, crew at mga stand-up performer, na naging dahilan ng kanilang pagsikat at makatawid sa mainstream tulad nina Boobsie Wonderland at Gladys Guevarra.

“Nakakalungkot mang isipin, pero ganon talaga ang buhay…hindi akalain nang dahil sa virus na kinatakutan at pumatay ng libu-libong tao. Maraming pinalungkot, ginutom, sinira at winasak na pangarap! Pero ang lahat ng ito ay PAGSUBOK lamang! Kung gaano tayo katatag,” ayon kay Boobsie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?