450

By

Zion Williamson sunod sa husay ni Michael Jordan – Pippen

Kung si Chicago Bulls legend Scottie Pippen ang tatanungin, posibleng si Zion Williamson na ang second coming ng tinuturing na NBA greatest of all-time na si Michael Jordan.

Sa kanyang panayam sa ‘The Jump’ ng ESPN, naitanong kay Pippen kung sino sa tingin niya ang posibleng maikumpara kay Williamson.

Pakli ng host na si Rachel Nichols: “Zion Williamson is the best NBA prospect since….”, at ito naman ang naging tugon ni Pippen: “Michael Jordan.”

Si Williamson ay ang sinisipat na top pick sa 2019 NBA Draft, isang kakaibang athlete sa bigat na 285 pounds ngunit maliksi ang galaw.

Kaya naikumpara rin ni Pippen ang Duke standout sa isa pang NBA Hall of Famer na si Charles Barkley.

“I think he’s sort of the Charles Barkley throwback that you’re not going to be able to match up with him, in terms of meeting his physicality that he’s going to bring to the game,” ayon pa kay Pippien.

Nag-aaverage si Zion ng 22 points sa impresibong 68 percent sa floor at 9.2 rebounds kada laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?