90

By

Zion Williamson, Rui Hachimura, sabak na sa NBA

Naglalaway na ang bawat koponan sa dalawang potential star sa 2019 NBA Draft.

Ito’y matapos pormal na ideklara ng 6-foot-7, 285-pound athlete na si Zion Williamson na siya’y tutungtong na sa NBA matapos ang isang taon sa Duke University.

Si Williamson ang tinatayang magiging cream of the crop ng 2019 draft class dahil sa kakaibang kombinasyon ng liksi at lakas ng pangangatawan.

Siya ang itinuring na Atlantic Coast Conference player habang nag-aaverage ng 22.6 points at 8.9 rebounds.

Isa pang dapat abangan ay ang Japanese-American na si Rui Hachimura mula Gonzaga University.

Bukod sa collegiate stint, si Hachimura rin ang isa sa naging dahilan kung bakit nakatungtong ang Japan sa 2019 Fiba World Cup matapos kumamada ng 21.5 points, 6 rebounds at 1.3 assists kada laro.

Sa draft lottery na gaganapin sa Mayo 14, mag-aagawan para sa top spot ang tatlong koponan na may tig-14-percent chance, ang New York Knicks, Phoenix Suns at Cleveland Cavaliers.

Posible ring makasilat ang Chicago Bulls (12.5%) at Washington Wizards (10.5%).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?