56

By

Zion Williamson nagtamo ng injury!

Hindi pa man nagtatagal sa loob ng court, na-injury agad si Duke superstar Zion Williamson sa kanilang pagkatalo kontra North Carolina sa iskor na 88-72.

Sa loob ng 34 seconds sa court, akmang iikot mula sa kalaban si Williamson habang itatapak dapat ang kaliwang paa para sa pivot foot, nadulas at napa-split si Williamson saka nasira ang kanyang sapatos.

Si Williamson ay oobserbahan at nagtamo ito ng Grade 1 knee sprain.

Nag-a-average si Williamson sa kanyang freshman year ng 21.6 points, 8.8 rebounds at 2.2 assists per game at siya ang inaasahang magiging top pick sa susunod na NBA Draft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?