285

By

Zion Williamson injured agad; Summer League binagabag ng lindol

Unang salang pa lang ng New Orleans Pelicans top pick na si Zion Williamson sa NBA Summer League ay napaupo agad ito dahil sa injury.

Naging interensante ang inaabangang paghaharap ni Zion at ng third overall pick at dating teammate din ni Williamson sa Duke na si RJ Barrett sa harap ng sellout crowd sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas.

Marami ang bumilib kay Zion, sa first half ay nagpakilala agad tampok ang ilang rim-shattering dunks, may isang tagpo pa kung saan harapan niyang ninakaw ang bola sa harap ni New York Knicks sophomore Kevin Knox.

Tumapos ang 19-year old bruiser nang may 11 points at tatlong rebounds sa first half, ngunit hindi na ito nasundan matapos paupuin na nang mabunggo ang tuhod.

Inaasahan na minor injury lang ang natamo ni Williamson at precautionary measure lang ang paggarahe sa prized award ng Pelicans.

Samantala, hindi naman natapos ang laro matapos ang malakas na 7.1 magnitude earthquake sa Southern California at Western Nevada sa kasagsagan ng laban.

Nahinto ang laro na lamang ang Pelicans , 80-74, at pinili na lang i-postpone ang laban para sa kaligtasan ng mga manonood at ng mga manlalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?