49

By

Zion nagpa-wow sa dakdakan

Sa pangalawang laro sa NBA, ipinakita rin ni Zion Williamson ang payanig niyang dakdak.

Sa mga high-flying dunks naging Internet sensation siya mula high school hanggang sa nakaisang taon sa Duke.

Tengga sa first three months ng 74th o 2019-2020 season ang No. 1 pick ng New Orleans Pelicans nang operahan sa tuhod matapos magka-injury sa preseason.

Nitong Miyerkoles, nangyari ang inaabangang debut niya kontra San Antonio pero hindi nailabas ang slams bagama’t tumapos ng disenteng 22 points.

Sabado, balik sa court si Zion at kinumpleto na ang unang dunk.

Inekisan ni Williamson ang first points niya sa isang alley-oop dunk. Sa fourth quarter, nag-iwan pa siya ng marka nang malakas na butatain ang isang tira.

Kaya lang, talo pa rin si Williamson sa pangalawa niyang laro, yumuko ang Pelicans sa Denver Nuggets 113-106.

Sinapawan siya ng 27 points at 12 rebounds ni Nikola Jokic ng Nuggets. May tig-15 points at 10 rebounds sina Michael Porter Jr. at Torrey Craig.

Tinipid pa rin sa 21 minutes ang laro ni Williamson, nakapagsumite ng 15 points.

Na-outscore ng Pelicans ang Nuggets ng 16 kapag nasa loob si Williamson. Sinindihan niya ang 14-2 run na nagbigay sa New Orleans ng 72-70 lead sa third, pero sandali lang ‘yun dahil sumagot ng 8-0 spurt ang Denver kabilang ang five second-chance points mula sa offensive rebounds at hindi na bumitaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?