58
Zion, Kai pantanggal stress ni Richard
By

Zion, Kai pantanggal stress ni Richard

Alam mo, Dondon, kahit sobrang busy ako noong Wednesday dahil sa kaliwa’t kanang events, happy ako dahil nasamahan ko pa rin sa ABS-CBN si Richard Gutierrez.

Of course, hindi ko puwedeng ikuwento pa sa ngayon kung bakit nagpunta roon ang aktor.

Anyway, after ng meeting na pinuntahan namin, napagkuwentuhan namin ni Richard ang tungkol sa kanyang mga anak na sina Zion at Baby Kai.

Kapag tinatanong ko kasi si Zion kung anong toy ang gusto niya, nagugulat ako dahil alam niya ‘yung mga latest na lumalabas.

Sabi naman ni Richard, nakakapag-search na kasi si Zion sa internet ng mga toy.

Pati reviews sa mga toy na ‘yon ay alam na alam ni Zion.

Hindi naman nakakapagtaka dahil sa April 29 ay magsi-six years old na ang panganay nina Richard at Sarah Lahbati.

Si Baby Kai naman, very soon ay may magandang balita sa bunso nila ni Sarah na puwede na niyang ikuwento, pero sa ngayon, bawal pa raw kasi. Pero exciting daw ang bagay na ‘yon.

Sa March 21 nga pala ang first birthday ni Baby Kai, pero dahil isasabay sa binyag ng bata ang first birthday party nito at sa June pa ‘yon magaganap, may small get-together lang daw sila on that day.

“Para may celebration lang with the family, pero dahil big ang family namin, kasama ka pa at ilang friends siguro, baka ‘yung small, maging medyo big din. Hahaha!” natatawang sabi ni Richard.

Sobrang happy nga raw kasama ang kanyang mga anak dahil kahit magsi-six na si Zion ay behaved daw ang panganay nila at si Baby Kai naman daw ay happy baby raw talaga dahil tawa lang nang tawa.

“Walang stress kapag kasama namin ang mga bata,” dagdag pa ni Richard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?