89

By

Zaire ‘hinimatay’! Birthday gift ni Wade sa anak, halos pumalo ng P1M

Napanganga ang anak ni Miami Heat legend Dwyane Wade sa sorpresa nito para sa kanyang ika-18 birthday.

Sa Instagram video ni Wade, pinakita kung papaano sinorpresa si Zaire ng limpak na salapi para sa kaarawan nito noong February 4.

1,000 US dollars ang binigay ni D-Wade sa bawat taong nabubuhay si Zaire, na umabot sa 18,000 US dollars o P917,000.

Nang makita ito ni Zaire ay napanganga na lang ito at napahawak sa dibdib na nagkunwaring nahimatay.

Matapos ay hinawakan ang dolyares at tinanong kung galing sa kanyang ama, na kinumpirma naman ng kanyang mga kasama sa video.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?