54
Zac Efron, tagumpay sa pagiging YouTube vlogger
By

Zac Efron, tagumpay sa pagiging YouTube vlogger

Isa nang ganap na travel influencer si Zac Efron.

Simula kasi nang i-launch ang travel channel niyang “Off the Grid”, humakot na ang unang video niyang “We Spent 96 Hours In The Desert… | Off The Grid” ng mahigit 1.16 million views sa loob lang ng isang linggo.

Sa unang travel vlog niya, nagtungo sila sa six-hour road trip mula Los Angeles patungong Lake Mohave.

Kasama na siya sa mga celebrities na may vlog sa YouTube gaya nina Will Smith, Dwayne Johnson at model Karlie Kloss.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?