329

By

Yulo unang Pinoy gold medalist sa Gymnastics World Championships

Umukit ng kasaysayan si Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo bilang unang Pinoy na nakasungkit ng ginto sa gymnastics world stage.

Sa 49th Artistic Gymnastics World Championships sa Stuttgart, Germany, nakakuha ng 15.300 score sa floor exercise final na sapat para sa ginto.

Ito ay matapos mag-bronze sa parehong kompetisyon sa Doha, Qatar noong nakaraang taon.

Pumwesto sa pangalawa si Artem Dolgopyat ng Israel (15.200) at kumumpleto sa podium si Xiao Ruteng ng China (14.933).

Dagdag ito sa accomplishment ni Yulo, na naging ikalawang Pinoy na nag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics kasunod ni pole vaultet EJ Obiena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?