41

By

Yulo ikalawang Pinoy sa 2020 Tokyo Olympics

‘Di pa man nakasusungkit ng kailangang medalya’y nagawa na ni men’s artistics gymnast Carlos Edriel “Caloy” Yulo na maging ikalawang Pilipino na lehitimong nakapasa sa kuwalipikasyon para sumabak sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

International Gymnastics Federation (FIG) na ang kabuuang 12 atleta na nag-qualify sa Individual All-Around event para tapos ng 2 araw na 9th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Stuttgart, Germany swak na sa 2020 Olympics.

Una munang nag-qualify sa finals ng paborito niyang floor exercise ang 20-anyos na Pinoy bago unti-unting nakatipon ng kailangang puntos sa limang iba pang apparatus upang makatuntong sa tampok na pagsasama-sama sa lahat ng iskor sa pitong event na individual all-around (IAA).

Base sa qualifying format: sa IAA ay nakatuntong si Yulo sa Top 24 habang nakapasok sa individual apparatus sa pagsungkit ng silya sa kailangang Top 8.

Tumapos si Yulo sa men’s qualifying round na nasa ika-15 puwesto sa IAA sa pagkolekta nang kabuuang 82.164 puntos upang makatuntong sa matira-matibay na Finals.

Ikapito naman siya sa floor exercise sa pagtatala nang mataas na 14.633 puntos upang umapak din sa finals.

Nagkasya lamang siya sa ika-12 puwesto sa vault sa iskor na 14.433, habang ika-22 sa Paraller Bars sa 14.433 pts. Ika-72 siya sa Rings sa natipong 13.166, ika-82 puwesto sa Horizontal Bar sa 13.033 pts, at ika-92 sa Pommel Horse sa 12.466.

Tatangkain ni Yulo na masungkit ang medalya sa men’s IAA sa Oktubre 11 sa ganap na alas-10 ng gabi habang muling asam makamedalya sa men’s floor exercise finals sa Okt. 12 sa ganap na alas-10 din ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?