445

By

Yuletide assistance program para sa mga barangay official, inutos ni Duterte

Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng yuletide assistance o pamasko ang lahat ng mga opisyal ng barangay sa buong bansa.

Nakapaloob ito sa Executive Order (EO) 99 ng Pangulo para magtatag ng Yuletide Social Assistance Program para sa mga nasa barangay level.

Itatatag ang programa sa pamamagitan ng ordinansa na pagtitibayin ng konseho.

“The yuletide season is an opportune time to establish such measures or programs for the economic empowerment of barangay officials and functionaries, in recognition of their valuable and meaningful service that effect genuine and positive change in their respective communities,” anang nakasaad sa EO.

Inatasan ng Pangulo ang Department of Budget and Management at Department of Interior and Local Government na maglabas ng guidelines para sa pagbibigay ng tulong at ang pondo ay huhugutin mismo sa budget ng barangay.

Sa ilalim ng ilalabas na guidelines ay tutukuyin kung sino sa mga opisyal ng barangay ang makikinabang sa Yuletide Social Assistance Program.

Ang direktiba ay inilabas ni Pangulong Duterte bilang pagkilala sa papel ng mga opisyal ng barangay alinsunod sa Philippine Development Plan. (AILEEN TALIPING)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?