64
YouTube record ni Ariana binura ng Blackpink
By

YouTube record ni Ariana binura ng Blackpink

Sa loob lang ng 24-oras, umabot na sa 56.7 million YouTube views ang latest single ng Blackpink na “Kill This Love”.

Pumalo na rin ito sa 100 million views wala pang tatlong araw nang ilabas, pinakamabilis na sa lahat ng music video.

Pinaalis nito sa trono ang “Thank You, Next” ni Ariana Grande na nakapagtala naman ng 55.4 million views sa unang 24 hours.

Hindi ito ang unang beses na nag-number one spot ang Blackpink dahil nito lang taon, ang “Ddu-du Ddu-du” music video nila ang naging “most viewed music video” mula sa K-pop group na pumalo sa mahigit 700 million views.

Sila rin ang magiging kauna-unahang Korean girl group na magpe-perform sa Coachella.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?