54

Mar 14, 2020 @ 20:28
By

Yorme Isko, ‘LDR’ ang peg sa pamilya

Hindi nakasama si Manila Mayor Isko Moreno sa selebrasyon ng kaarawan ng kanyang anak.

Naka-self quarantine kasi ang alkalde sa Manila City Hall matapos ang official business trip niya sa United Kingdom, na kabilang sa worst-affected countries ng coronavirus.

Dinaan na lang ni Mayor Isko ang pagbati sa kanyang Instagram post na animo’y nasa malayo itong lugar.

“You’re so near yet so far. Happy Birthday anak, pasensya ka na wala ako dyan sa tabi mo. I hope Jesus will grant all your wishes and your dreams! I love you anak! #franco@14,” mensahe ng alkalde sa anak na si Franco Dylan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?