17
Yo, Abando, Nonoy kakayod para sa UST
By ,

Yo, Abando, Nonoy kakayod para sa UST

Maghaharap para sa isang importanteng laro ang Ironcon-UST at Saint Clare Virtual Reality sa Huwebes alas-4 ng hapon sa 9th PBA D-League 2019 eliminations sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nagsimula nang mahirapan ang kabuhol sa segundo sa Aspirants Group Growling Tigers (5-2) sa mga huling laro gaya ng 92-80 na pagkataobn sa Che’Lu Bar and Grill noong Mayo 6 na nagpadulas sa kanila sa 5-2 win-loss record.

Naiintindihan naman ni Growling Tigers coach Aldin Ayo ang sitwasyon. Pero umaasa siya na mas magiging intact at maganda ang lalaruin nina Soulemane Chabi Yo, Rhenz Abando at Mark Nonoy.

“Yun naman ang inaayos natin, yung sistema. Bata pa rin ang team kaya kailangan namin maranasan yung mga ganitong hardships,” aniya.

Balik-win column naman ang St. Clare (5-2) nang padapain ang McDavid, 93-82, noong Mayo 2.

“Tuloy lang namin ang trabaho namin. Ready kami laban sa UST. Hindi kami pwedeng magpabaya at ibigay lang namin ang best namin,” bigkas ni Saints coach Jino Manansala.

Bubuksan ng Valencia City Bukidnon-SSCR (6-1) at CD14 Designs-Trinity (0-8) ang triple-bill sa alas-12 ng tanghali, kasunod ng AMA Online Education (2-5) at Batangas-EAC (2-7) sa alas-2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?