6,464

Yllana brothers binanatan ni Raffy Tulfo matapos madamay ang nanay niya

Idinepensa si Raffy Tulfo ang kanyang sarili matapos siyang kuyugin dahil sa naging pananalita sa magkakapatid na Yllana.

Sa kanyang “Wanted sa Radyo”, ipinaliwanag ni Tulfo kung bakit niya nasabihan ng “that’s a stupid question” si Anjo Yllana matapos magpunta ang magkapatid sa kanyang programa.

Tinanong umano ni Anjo ang complainant na si Edmond Mitra sa kabilang linya ng, “Hindi na po kayo galit?” na sinagot ni Tulfo ng “that’s a stupid question”.

Marami ang nagsabi na mag-sorry si Tulfo pero paninindigan umano niya ang kanyang sinabi kay Anjo dahil na-scam at naloko ang mga complainant at hindi akma ang itinanong ng TV host dito.

Kuwento ni Tulfo, may mga troll na nagsulputan sa Raffy Tulfo YouTube channel kaya naka-block na ang comment dito lalo na’t dinamay na umano ang nanay niya na minura at tinawag na “puta” maging ang kasarian ng complainant ay nilait na rin umano.

“Sa mga troll na gumagamit ng dummy account wala akong pakialam sa inyo. Do what you have to do. Ilan sa inyo nagsasabi iboykot ang action center, iboykot ang TV5, iboykot ang Raffy Tulfo In Action, iboykot daw ang Wanted sa Radyo, f*ck ano pong nangyayari sa mga utak ninyo. Dahil lang sa isang salita ko ganito na ako kasama. Hindi po ako nagnakaw, nanggahasa, hindi ako nag-scam. Ang alam kong nag-scam ang Yllana Colleges of Businesses and Arts. And yet ‘yun ang kinakampihan ninyo, f*ck!” sabi ni Tulfo.

Nag-ugat ang isyu matapos ireklamo ng ilang estudyante ang eskuwelahang pag-aari ng Yllana brothers na sina Anjo, Ryan at Jomari sa programa ni Tulfo.

Ayon sa pahayag ng mga estudyante, nadiskubre nila na hindi pala nakarehistro sa TESDA ang eskuwelahan na kinumpirma ng TESDA kay Tulfo.

Isinara na ang Yllana Colleges of Business and Arts Inc. na matatagpuan sa bayan ng Lucena.

Panoorin dito ang buong kuwento:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?