31

Mar 6, 2020 @ 21:49
By

Yeng, Martin nakiisa sa protesta para sa press freedom

Nagpatimpalak ang mga Kapamilya singer na sina Yeng Constantino at Martin Nievera nitong Biyernes ng gabi, Marso 6, sa protesta para sa press freedom.

Naging emosyonal si Yeng matapos awitin ang kantang nagpanalo sa kanya noong 2006 sa ABS-CBN competition show na Pinoy Dream Academy.

Ikinuwento ng singer ang naging journey nito mula nang manalo siya at kung paano nabago ng estasyon ang buhay niya at ng kanyang pamilya.

Bukod doon ay nag-iwan din ng mensahe at pinasalamatan ng singer ang mga patuloy na sumusuporta sa kanya at sa ABS-CBN.

Samantala, si Martin naman ay binigyan ng bagong bersyon ang kantang ‘Mula Noon, Hanggang Ngayon’ na sinulat ni Vehnee Saturno.

Pinalitan ng singer ang ibang lyrics sa kanta ng mga salitang ABS-CBN at Kapamilya.

Ibinahagi rin ng singer na siya ang pinaka-unang artist na ibinida ng estasyon, pati na rin ang naging buhay nito simula nung pumasok sa industriya.

Patuloy lang ang protesta ng mga taga-ABS-CBN, journalist at mga organisasyon sa mga susunod na linggo at hindi titigil hangga’t hindi sila napapakinggan ng Malacañang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?