63
Yen ka-forever na ang hinahanap
By

Yen ka-forever na ang hinahanap

Hindi umano nagmamadaling magka-boyfriend si Yen Santos kahit pa matagal na siyang wala nito.

Aniya sa article ng Push, gusto niya kasi na susunod niyang karelasyon ay ito na ang kanyang makakatuluyan at makakasama niya sa buhay.

Pero nami-miss din umano niya na may karelasyon dahil walang nagti-text sa kanya ng “good night”, “good morning” at nagsasabi ng “I love you”.

Kapag tumuntong umano siya sa edad na 30 ay gusto na niyang magkapamilya.

Dagdag pa niya, wala raw masama na maging mapili siya sa ngayon dahil ang tagal na niyang naging single at gusto niya ay ang makakasama na habambuhay.

Sa kasalukuyan ay 26-anyos na ang “Halik” actress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?