398
Yassi nilait ang height, sinabihang pandak

Yassi nilait ang height, sinabihang pandak

Sinagot ni Yassi Pressman ang isang basher na nilait ang kanyang height sa Instagram.

Unang nag-comment si GP Reyes na napansin na tila maliit sa nasabing picture si Yassi: “Parang you’re short yass haha”

Dumepensa naman ang katambal ni Coco Martin sa ‘Ang Probinsiyano’ at sinisi sa stage kung bakit nagmukhang maliit.

“@gp_reyes the stage!!! hindi pantay (laughing emoji) hahaha” tugon naman ni Yassi.

Ngunit isa pang netizen ang sumegunda at sinabing pandak naman talaga umano si Yass.

“pandak naman talaga sya kulang sa tangkad [thumbs down emoji]” ayon kay Instagram user @haulnawal.

At kahit inasar na ang magandang aktres, graceful pa rin ang kanyang naging balik sa nasabing basher.

“yes I am 5’2 gurl, relax haha bakit may boo? we’re all different and we should love ourselves,” sey ni Yassi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?