552
Yam pumalag sa pambabastos ng netizen
By

Yam pumalag sa pambabastos ng netizen

Nag-react si “Halik” actress Yam Concepcion sa nag-post ng nude scenes niya mula sa pelikulang “Rigodon” na pinagbidahan niya noong 2012.

Sa kanyang Twitter sinabihan ni Yam ang netizen na nag-share ng naturang sensitibong scenes para gawing biro tungkol sa pangangaliwa niya sa Kapamilya drama series na “Halik”.

“Omg! Lino!!!! Ipakita ko to sa korte,” saad ng naturang netizen.

“Sana hindi ka nagpopost ng mga ganito. Nakakabastos sobra. Screen cap mo pa talaga. Ano point mo? Pelikula ito na ginawa ko in 2012. Adult thriller movie ‘Rigodon’ directed by Erik Matti. Movie ito. Hindi to totoong buhay! I pray that people like you find respect for women,” palag ni Yam.

Umapela rin si Yam sa mga nagsi-share ng naturang screenshots ng eksena niya sa “Rigodon”.

“Please stop. Nakakabastos na. Pelikula yun. Hindi totoong buhay! Hindi ko alam kung bakit niyo ginagawa yun. Ano ba gusto niyo mangyari? I-down ako? Ano ba gusto niyo patunayan?” sabi pa ni Yam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?