19

By

Yabut kampeon sa Balinas Cup

Pinisak ni Mark Anthony Yabut si Kevin Mirano sa seventh at final round ng 2019 GM Rosendo C. Balinas, Jr. (PECA) National Executives Grand Prix Chess Championships upang makopo ang korona sa executive class sa San Fernando City, Pampanga.

Nakaungos naman sa tie break si John Frederick Sunga para masikwat ang titulo sa youth division.

Dating pambato si Yabut ng Far Eastern University, umiskor ito ng anim na puntos para masolo ang kampeonato.

Sinagasaan ni Yabut sina Billy Limpengco, Dr. Jenny Mayor, Victor Anas, National Master Raymond Salcedo at penultimate round bago nanaig kay Mirano.

Nakipaghatian ng puntos si Yabut kina International Master Angelo Young at Florel Cruz.

Sa youth category, nakisalo si Sunga sa tuktok kay Lexie Grace Hernandez na may tig-5.0 points sa six outings, pero matapos ipatupad tiebreak points ay hinirang na kampeon ang una.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?