294

By

Yabang nitong kalbo! Loonie na-badtrip sa Russian rapper

Mabait ang pag-message ng ‘Hari ng Tugma’ na si Loonie sa Russian rapper na si Oxxxymoron, ngunit kaangasan ang sinukli sa sikat na Flip Top artist.

Sa Twitter post ng Ruso, kanyang ini-screenshot ang usapan nila ni Loonie, parehong nagpurihan ang isa’t isa ngunit biglang bumalikwas ang banyaga.

Saad nito, kanyang papataubin si Loonie sa oras na magkaharap sila.

Hindi nagpatinag si Loonie, sinabing handa siyang pumunta sa Russia at harapin ang tinawag niyang ‘kalbo’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?