159

By

Xian Lim, hindi ban sa ABS-CBN

May mga nagsasabing ban si Xian Lim sa dati niyang home studio, ang ABS-CBN.

Pinawalang totohanan naman ito ng actor.

Ayon sa actor, wala raw nabago between him at sa Kapamilya network. Hindi na kasi talent ng Star Magic si Xian. Lumipat na siya sa bakuran ng Viva.

Paliwanag ni Xian, “Wala naman po siguro kasi I have couple of promotions. Nag-promote naman ako sa ‘ASAP.’ Last August 16 naman po we were at ‘Tonight With Boy Abunda.’”

Hindi raw niya alam kung saan nanggaling ang isyu na binan siya ng ABS-CBN.

Tungkol naman sa kanila ng tsinitang aktres, nagkikita pa rin daw sila. Open pa rin daw sila sa isa’t isa.

“Ngayon lang kami di gaanong nagkikita, ang dami din kasi niyang ginagawa and may mga ginagawa din ako kaya hindi nagtatagpo ang schedules namin,” paliwanag ng aktor.

Pero lagi pa rin naman daw silang may komunikasyon sa isa’t isa.

Kaya nagkaroon ng isyu sa actor dahil hindi siya nakasama nu’ng minsan na mag-promote sina Sarah Geronimo at James Reid para sa movie nilang “Miss Granny” sa ilang show ng ABS-CBN. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?