40
xiamen
By

Xiamen plane ‘naglaho’ bago sumadsad sa NAIA runway – CAAP

Nawalan ng komunikasyon ang control tower ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Xiamen Airflight MF8667 bago ito sumadsad sa runway noong Agosto 16 ng maghahatinggabi.

Batay ito sa salaysay ni Marlene Singson, chief ng aerodrome division ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services.

Sa timeline ng CAAP, 11:35 pm, unang kumontak ang Xiamen 8667 sa Manila air traffic control tower.

Noong 11:38 pm, binigyan ito ng clearance na lumapag pero hindi pa tumuloy at umikot pa sa ere noong 11:40 am.

Ikalawang beses na kumontak ang piloto ng eroplano ng 11:53 pm at humingi muli ng clearance na makalapag.

Pagsapit ng 11:55 pm humingi ng kumpirmasyon ang piloto para makalapag. Sa patakaran, kailangang lumapag ang eroplano sa loob ng dalawang minuto matapos mabigyan ng clearance.

Noong palapag na sa runway ang eroplano, hindi na umano iyon makita at nawalan na rin ng radio contact dito noong 11:56 pm.

Dahil dito, sinarhan umano ang runway 64 kung saan sumadsad ang eroplano.

Kaagad umanong pinapuntahan ang lugar sa rescue team ng airport na tumiyak na ligtas ang lahat ng 165 sakay ng eroplano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?