356

By

Wushu artist nabanas! Agatha Wong binanatan dahil ‘Chinese’

Hindi napigilang maglabas ng saloobin ang gold medallist Wushu star na si Agatha Wong sa mga nagsasabing may dugong Chinese ito kaya nananalo sa kompetisyong nagmula sa China at dapat hindi niya nirerepresenta ang Pilipinas.

@AgathaWongy: :My last name’s Chinese & yet I am a Filipina; more than anything. I was born in the Philippines, grew up in the ph & represent the Philippines wherever I go. Mahal ko ang bayan ko.”

Ito ang kanyang inihayag na saloobin sa kanyang Twitter account.

Dagdag pa niya, hindi dahil sa may lahing Chinese siya ay awtomatikong mananalo na ito dahil para sa kanya mas lamang ang pagiging pusong Pinoy niya kaysa sa apelyido niyang intsek.

“So don’t tell me I’m Chinese kaya ako nanalo. Nanalo ako dahil Pilipino ako, at lalaban ako,” pahabol pa niya sa kanyang tweet. (AE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?