123

May 23, 2020 @ 18:25
By

Wrestler pumanaw sa edad na 22

Umulan ng tribute sa social media para sa Japanese professional wrestler na sumakabilang-buhay sa murang edad.

Nag-trending sa Twitter PH ang #RIPHanaKimura nitong Sabado.

Kinumpirma ng Variety na pumanaw si Hana Kimura, na cast member din ng Netflix reality show na “Terrace House”.

“We are very sorry to report that our Hana Kimura has passed away. Please be respectful and allow some time for things to process, and keep your thoughts and prayers with her family and friends,” pahayag ng Stardom Wrestling, ang organization na kinabibilangan ni Kimura.

Hindi pa malinaw kung anong dahilan ng pagkamatay niya pero batay sa mga latest Instagram post niya’y tila nakaranas ito ng cyber bullying.

May picture post siyang may hawak na pusa na nilagyan niya ng caption na “goodbye”.

Kabilang din sa mga post niya ang “I don’t want to be a human anymore”, “thank you to everyone who supported me”, at “I love it. I’m weak, I’m sorry”.

Gaya ng kanyang inang si Kyoko, isa ring pro wrestler si Kimura at unang salang niya sa Wrestle-1 noong 2016, kung saan nasungkit niya ang unang title, ang JWP Junior Championship.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?