98

By

WPS para sa mga Pinoy, hindi sa China at kay Duterte – Morales

Inihayag ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na hindi para sa China o kay Pangulong Rodrigo Duterte ang West Philippine Sea (WPS) kundi sa mga Filipino.

Sinabi ito ni Morales matapos niyang igiit ang pananagutan ng China sa pagkasira ng mga marine resources sa pinag-aagawang teritoryo.

Pinunto ni Morales ang pagkapanalo ng bansa sa arbitral tribunal laban sa China sa WPS.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang China sa militarization nito sa lugar.

Magugunitang kasama ni Morales si dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario na nagsampa ng reklamo sa International Criminal Court bilang kinatawan ng mga Filipinong mangingisda na siyang apektado sa pagiging agresibo ng China sa WPS.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?