37

By

World’s largest election umarangkada na sa India

Nagbukas na ang mga polling precinct para sa unang bugso ng general elections sa India.

Nagmistulang piyesta ang event matapos magsilabasan ang mga Indian na nakasuot ng makukulay na mga damit patungo sa mga voting station.

Aabot sa 1.3 billion katao ang inaasahang boboto sa 18 Indian states at dalawang Union Territories ngayong Huwebes sa unang araw ng seven-phase election.

Karamihan ng mga tindahan, establisyimento at paaralan ay sarado dahil sa strike ng mga separatist leader.

Sa northern Baramulla area, maraming tao ang bumoto lang para labanan ang Prime Minister na si Narendra Modi at Bharatiya Janata Party nito na “anti-Muslim” at “anti-Kashmiri” party umano.

“I didn’t want to vote but then there’s an imminent threat by politicians like Modi who are up in arms against Kashmiris,” saad ni Abdul Qayoom, isang botante mula sa Baramulla town.

Naluklok si Modi noong 2014 at sa naging panunungkulan nito, lumobo umano ang mga Hindu nationalist na lalong naghati sa India.

Nakahakot siya ng suporta dahil sa mga pangako noon ng modernisasyon sa ekonomiya ng India at pagsugpo sa korapsiyon pero limang taon ang nakalipas, hindi nito natugunan ang mga ipinangako.

Lagi umanong inuuna ni Modi ang pinanggalingan niyang conservative Hindu political movement na layon na gawing Hindu state ang India.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?