909
World Cup: Clarkson bomalabs na sa Gilas
By ,

World Cup: Clarkson bomalabs na sa Gilas

Malabo nang makalaro para sa Gilas Pilipinas si Filipino-American baller at Cleveland Cavaliers guard Jordan Clarkson sa 18th FIBA World Cup 2019 sa Agosto 31-Setyembre 15 sa China.

Sa balita ni Joaquin ‘Quinito’ Henson ng Philippine Star, ‘di kinilala ng International Basketball Federation ang estado bilang Pinoy ni Clarkson base sa kanyang heritage, ang naturalization ang mas pinapaboran wolrd governing hoops body.

Sa FIBA rules, ang national team ay pwedeng maglagay lang ng isang naturalized player sa lineup at sa kaso ng ‘Pinas si Andray Blatche na ang nakapuwesto roon.

Ilang beses iangka ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na kilalanin bilang lokal na manlalaro si Clarkson dahil sa hawak na Philippine passport nang 16-anyos pa lamang. Pero pinunto ng FIBA na ang pagkilala kay Clarkson ay isang naturalized player noon pa man.

Naisapinal na rin ang classification ni Clarkson, na ayon kay FIBA National Federations and Sports Director Zoran Radovic ng Serbia ay naturalized.

“It’s doubtful for the World Cup this year because of FIBA’s eligibility rule. Maybe, if FIBA agrees to add another eligibility factor in determining whether a player is naturalized or not for 2023 when we host the World Cup, there will be an opportunity for Jordan,” reaksyon ni SBP executive director Renauld ‘Sonny’ Barrios.

Ang isa mga nakikitang paraan ni Barrios ay pagsailalim sa DNA analysis ng isang manlalaro sa FIBA accredited testing agency at dito malalaman kung ang isang manlalaro ay may lehitimong claim sa kanyang lahi.

Hinirit pa ni Barrios, na isang malaking tulong para sa kampanya ng bansa sa nakatakdang torneo kung makakapaglarong sabay sina Clarkson at Blatche.

“Remember that the World Cup will qualify the best Asian finisher to the 2020 Olympics, that’s aside from Japan which has an automatic ticket as host,” wakas niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?