55

By

World Cup: Balkman, kumpiyansa sa Gilas

‘DI maiwasan ni Renaldo Balkman na purihin ang matinding ginagawang paghahanda ng Gilas Pilipinas Men’s Team tapos makalaro at makita ang dating kakampi na si June Mar Fajardo na nakapagpasok ng midrange jumper sa scrimmage sa Mighty Sports Lunes ng gabi sa Meralco Gym.

“Tonight they were killing us in transition. And they definitely got shooters,” sabi ni Balkman sa koponan ni national coach Yeng Guiao. “And the pieces that they missed in Andray, they’re going to do pretty well in the World Cup. I wish them the best of luck.”

Piinaliwanag ng mahusay na import na napansin niya ang five-time PBA MVP na pinag-aaralan ang kanyang outside shots sa ensayo noong panahon na magkasama pa sila sa San Miguel Beer.

“I always knew he could shoot. He’s been working on it for what I can see, and he’s been knocking it down,” hirit ng huling naglaro sa Beermen nitong 2018 Commissioner’s Cup. “If you work on it, you will perfect it. He’s been working on that jump shot and that’s what he do.”

Pinatutungkulan ni Balkman ang 6-foot-10 na si Fajardo na pinahirapan ang Mighty Sports sa lakas at galaw sa ilalim pati na rin sa pagpasok sa mga tira mula sa 18 feet pataas upang bitbitin ang Gilas kontra Mighty Sports sa 85-85. Binubuo ang Mighty ng karamihang dating PBA imports na sina Balkman, Eugene Phelps, Hamady Ndiaye, at Zachary Graham.

Three-pointer ni Marcio Lassiter ang nagtabla sa game.

“it was nice playing against Fajardo in a competitive game again,” panapos ni Balkman. “From practice with San Miguel to playing against him right now. It was just a tune-up game, but we’re both trying to accomplish something and get better. It was great to be back with him, and play against him tonight.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?