49

May 8, 2019 @ 15:51
By ,

Woods pinarangalan ni Trump

Nitong Lunes (Martes sa Pilipinas), ginawaran ni US President Donald Trump ang multi-titled golfer na si Tiger Woods ng Presidential Medal of Freedom, ang pinakamataas na parangal para sa isang sibilyan.

Si Woods ang ikaapat at pinakabatang golfer na nakatanggap ng pinakamataas na American civilian award sa edad na 43.

Ayon sa ESPN, si Woods ang ika-33 sports figure na nakatanggap ng parangal na ito at kahanay na nito ang tatlo pang golfers na sina Arnold Palmer, 74 noong 2004; Jack Nicklaus, 65, noong 2005; at si Charles Sifford, 92, noong 2014.

Para kay Trump, isa si Woods sa mga pinakamagaling na atleta sa kasaysayan ng sports sa mundo at hindi na siya aniya makapaghintay sa mga gagawin pa nito.

“You’ve seen the good and the bad, the highs and the lows, and I would not be in this position without all of your help,” sabi ni Woods sa ginanap na ceremony nitong Lunes sa Rose Garden sa White House.

Naipanalo ni Woods ang una nitong major award may 11 taon na ang nakaraan sa Masters Tournament at muli niya itong nasungkit nitong nakaraang buwan lamang, ang kanyang unang major title mula noong 2008 US Open.

Noon pa man ay isa ng tagahanga si Trump ni Woods kaya naman noong muling masungkit nito ang major title nito ay nangako si Trump na bibigyan niya ng award si Woods dahil sa tagumpay nitong nasikwat.

Ang Medal of Freedom ang pinakamataas na parangal para sa mga sibilyan sa Amerika na unang pinamahagi ni President Harry Truman para parangalan ang ilang sibilyan na may kinalaman sa World War II.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?