26

By ,

WNBA champ bagong assistant coach ng Boston

Kukunin ng Boston Celtics ang WNBA at Olympic champion na si Kara Lawson bilang assistant coach.

Isang ESPN analyst si Lawson maging sa Washington Wizards sa tatlong season at sumabak na rin sa ilang coaching opportunities bago napunta sa Boston.

Si Lawson ang bagong dagdag sa mga babaeng coach sa NBA ngayong season kasama sina Becky Hammon ng San Antonio Spurs, Jenny Boucek ng Dallas Mavericks at Lindsay Gotlieb ng Cleveland Cavaliers.

Marami na rin ang nagtangkang kunin ang serbisyo ni Lawson sa NBA pero napapayag lang ito nang alukin ng Celtics para maging bahagi ng kanilang orgnisasyon.

Naging maganda ang karera ni Lawson sa 12 seasons nito sa WNBA at natulungan niya ang Tennessee na makatapak sa Final Four ng tatlong beses sa ilalim ni coach Pat Summitt.

Coach din ang 38-anyos na si Lawson ng USA Basketball 3×3 team na sasabak sa ilang FIBA competitions at naghahanda rin para sa 2020 Tokyo Olympics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?