49

By

Willie Revillame magbi-birthday sa Taal Island

“Bakit ako magse-celebrate nang marami akong kababayan na naghihirap?” – ang hayag ni Willie Revillame, na nagdesisyong tumulong na lang sa mga biktima ng Taal Volcano eruption sa halip na ipagdiwang ang kanyang paparating na kaarawan.

“So sa January 27 po live ang Wowowin at gagawa ho kami ng paraan para makabigay ng tulong sa ating mga kababayan,” ani Kuya Wil sa isang pahayag.

“Alam mo ang buhay natin ay may kalamidad eh, may bagyo, may lindol may ganito, ang importante marunong kang tumayo, ang importante magtulong tulong tayo. ‘Eto ‘yong right time na magtulong tulong kasi marami tayong kababayan na hirap,” hayag pa niya.

Kinwento rin ni Willie ang kinansela niyang plano.

“Dapat birthday ko ‘yon, celebration. Magbibigay akong dalwang house and lot sa loob ng studio, outside ng studio which ginamit namin ang YouTube para mag-greetings, kung sino ‘yong babati tatawagan ko para mabigyan ko ng house and lot,” wika ng host.

Personal umanong humingi ng suporta si Revillame sa mga government official ng Batangas, Cavite at Tagaytay, kabilang na sina Congresswoman Vilma Santos, Congressman Bambol Tolentino at Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino para sa kanyang plano.

Sina Gerphil Flores, Marcelito Pomoy at Rachelle Ann Go ang ilan sa mga magtatanghal sa Wowowin live sa Lunes, kung kailan ika-59 kaarawan na ni Willie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?