156

Apr 4, 2020 @ 23:55
By

Willie Revillame balak magbenta ng property para ibigay sa mga apektado ng COVID-19

Nakausap ni Willie Revillame sa kanyang show si Senator Manny Pacquiao para pag-usapan kung paano nila matutulungan ang mga higit na nanganganialngan ngayong humaharap ang bansa sa coronavirus disease crisis.

Dito, hinayag ng host na gusto na nitong ibenta maging kalahati ng kanyang mga ari-arian para ipamahagi sa mga nangangailangan.

“Sa totoo nga ‘yung ibang property ko, gusto kong ibenta. Gusto ko talagang, kahit kalahati na ang mabenta, ibigay na. Dahil kawawa ang ating mga kababayan, sobra, nakikita sa hirap,” sabi ni Wille sa ‘Tutok to Win’.

Sabi pa ni Willie, kahit nasa Puerto Galera ito ay naka-order na umano siya ng bigas sa halagang P1 milyon, kasama na ang mga noodles at sardinas. Gusto rin umano nitong makauwi sa Maynila at humihingi na ng permiso mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Hinimok din ng host na tumulong sa gobyerno para sa taumbayan.

Siniguro naman ng senador na maaaring mabigyan ng permit si Willie para makauwi sa Maynila dahil mabuti ang intensyon nito na makatulong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?