24

By

Williamson, Ingram, Ball: Mga batang palaban

Wala nang Anthony Davis, aasa sa mga palabang batang player ang New Orleans Pelicans sa pangunguna ni 2019 NBA Annual Draft top pick Zion Williamson.

Binitawan man nila ang six-time NBA All-Star na si Davis para sa trade deal nila ng Los Angeles, bagong sibol na mga future superstar ang ipaparada ng Pelicans sa katauhan ni Williamson at mga galing Lakers na sina Brandon Ingram at Lonzo Ball.

Hindi nakatuntong sa playoffs, tiyak na ‘big comeback’ ang in aasahan ng milyun-milyong fans ng New Orleans.

Bukod kina Williamson, Ingram at Ball, isa pa ring batang playmaker na galing din sa Lakers sa katauhan ni Josh Hart ang magsisilbing core ng team kasama ang beteranong sina JJ Redick at Derrick Favors.

May average si Williamson na 22.6 points per game sa para sa Duke University.

Malaking tulong din ang pagbalik ni Jrue Holiday matapos makaranas ng season ending abdominal injury sa nakaraang kumperensiya.

Si Ingram, star nang maituturing sa Lakers bago nalipat sa Pelicans sa pag-average ng 18.3 PPG at 5.1 rebounds sa kabila ng shoulder injury last sasn na naglimita sa kanya sa 52 games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?