35

By ,

Williamson, Barrett magtutuos sa Summer League

Maghaharap ang dating magkakampi sa Duke na sina Zion Williamson at RJ Barrett sa kanilang debut game sa NBA Summer League.

Sinabi ng NBA nitong Biyernes (Sabado sa Pilipinas) na si Williamson at New Orleans Pelicans ay makakalaban ang New York Knicks at si Barrett sa Hulyo 5, ang unang araw ng taunang summer league.

Sa katatapos lang na draft ng Huwebes (Biyernes sa Pilipinas), si Williamson ang No. 1 overall pick habang No. 3 overall si Barrett.

Isa pa sa inaabangan ay ang paghaharap ng Pelicans sa Hulyo 6 sa Washington Wizard at ang No. 9 overall selection na si Rui Hachimura — ang kauna-unahang Japanese na player na nasa first round pick.

Lahat ng 30 NBA teams ay makakasama sa Las Vegas maging ang Chinese at Croatian national teams.

Makakalaban ng China ang Miami Heat sa Hulyo 5, Sacramento Kings, sa Hulyo 6, Charlotte Hornets sa Hulyo 8 at Milwaukee Bucks sa Hulyo 10.

Makakaharap naman Croatia ang Detroit Piston sa Hulyo 5, Boorklyn Nets sa Hulyo 7, Oklahoma Ctity Thunder sa Hulyo 9 at sa Dallas Mavericks sa Hulyo 10.

May garantisadong limang laro ang bawat tropa, na may walong team na sasalang sa playoffs habang ang quarterfinals ay sa Hulyo 13, semifinals ay sa Hulyo 14 at Finals ay sa Hulyo 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?