22

By

Williams-Murray tandem, umiskor agad sa ‘Wimby’

Nagpakitang gilas agad ang duo nina former singles champions Serena Williams at Andy Murray ng United States sa opening match ng mixed doubles game sa Wimbledon.

Umungos ang dalawang Grand Slam champions nitong Linggo (Manila time) sa pares nina German Andreas Mies at US-born Chilean Alexa Guarachi, 6-4, 6-1 para umusad sa second round ng netfest.

“It worked out well. We’ve never played together, so it’s always a learning curve,” pahayag ni Williams.

“We take it very serious, so that’s why we’re in it.”

Saad naman ni Murray, “I think toward the end of the match, when you’re kind of in control on the scoreboard, it’s easier to sort of relax and enjoy it. Whereas the first set, we were obviously taking it seriously to win. Had a bunch of chances, didn’t get them.”

Sunod na makakatapat nina Williams at Murray ang duo nina Raquel Atawo ng Estados Unidos at Fabrice Martin ng France.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?