20

By

Williams lupasay kay Kerber

Balik sa lupa si Serena Williams, walang storybook ending ang kanyang pagbabalik sa tennis.

Bago ang Wimbledon women’s final nitong Sabado, puro si Serena ang laman ng balita. Nasa sideline lang si Angelique Kerber.

Puno ng celebrities ang box ni Williams, mula kina Duchess of Sussex Meghan Markle at Duchess of Cambridge Kate Middleton, hanggang kina Tiger Woods at Formula One champion Lewis Hamilton.

Gusto nilang saksihan ang paghahabol ni Serena sa kasaysayan, tangkang sikwatin ang 24th Grand Slam title para pantayan si Margaret Court sa most grand slams.

May ibang plano si Kerber.

Pinatumba ng German si Serena 6-3, 6-3 sa Centre Court ng All England Club.

Natapos ang winning run ni Williams 10 buwan matapos manganak.

Sa parehong torneo noong 2016, runner-up ni Williams si Kerber. Ngayon, nabaliktad na.

Inabot lang ng 65 minutes ang kanilang paluan bago itinanghal si Kerber bilang unang German na kampeon sa Wimbledon pagkatapos ni Steffi Graf noong 1996.

“It’s a dream come true,” anang 30-anyos na si Kerber. “Serena, you’re a great person, such an inspiration for all of us playing and everyone watching you. I’m sure you will have your next Grand Slam title soon.”

Natisod si Serena sa paghahabol sa pampitong All England Club title, dinagdag ni Kerber ang titulo sa kanyang koleksiyon ng 2016 Australian at US Opens.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?