32

By

Wikipedia down sa UK, Europe

Nabahala ang mga netizen sa pagkaantala ng serbisyo sa reference website na Wikipedia.

Sa Twitter inanunsiyo ng online encyclopedia na kasalukuyan silang nakararanas ng panaka-nakang pagkaantala dahil sa “malicious attack.”


Sinusubukan na umano nilang makontrol uli ang website.

Ayon sa downdetector.com, alas-siyete Biyernes ng gabi sa Britain (alas-dos Sabado ng umaga sa Pilipinas) nagsimulang maantala ang serbisyo ng Wikipedia.

Ilan sa mga naapektuhang lugar sa ulat ng The Independent ang United Kingdom, Poland, France, Germany at Italy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?