26

By

Whitney Houston sobrang inlab noon kay Eddie Murphy

Nagkaroon pala ng pagtitinginan sa isa’t isa sina Whitney Houston at Eddie Murphy.

Sinubukan pang pigilan ni Murphy ang kasal ni Houston kay Bobby Brown pero huli na dahil sa pagpapa-hard to get ng “Beverly Hills Cop” actor.

Sa memoir na inilabas ng best friend ng pumanaw na Bodyguard star na si Robyn Crawford, binunyag nitong baliw na baliw kay Murphy si Houston noong 1989.

May pagkakataon na nagpaganda pa nang husto si Whitney para sa isang dinner date nila ni Murphy sa kanyang bahay pero hindi siya sinipot ng aktor.

“She was more interested in Eddie Murphy [than Bobby Brown] but he was elusive,” saad ni Crawford.

Sobrang nadismaya umano si Whitney nang hindi magpakita ng gabing iyon si Murphy kaya nagpa-engage na ito kay Brown.

Umaga bago ang nakatakdang kasal ni Whitney noong July 18 1992, tumawag umano si Eddie kay Whitney para pigilan itong magpakasal pero itinuloy pa rin ng aktres.

Hindi maganda ang naging pagsasama nina Brown at Whitney na nauwi sa hiwalayan noong 2007. Nagkaroon sila ng anak, si Bobbi Kristina Brown.

Nalulong sa droga si Whitney at sa edad na 48 ay pumanaw siya.

Natagpuan siyang patay sa bathtub sa Beverly Hilton Hotel noong February 2012 kung saan nakitaan ang katawan niya ng prescription drugs, cocaine at cannabis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?