29

By

Westbrook mabait na kakampi – Abrines

Isa si Russell Westbrook sa mga nakatulong kay Spanish shooter Alex Abrines para makaya ang dinaranas na hirap sa NBA dahil sa kanyang mental health.

Ayon sa 26-anyos na ngayo’y lumipat na sa Euroleague, si Westbrook umano ang isa sa kanyang mga nasandigan noong rookie pa lamang siya sa liga para sa Oklahoma City Thunder.

Madalas aniya siyang samahan ng 2016-17 NBA MVP noong bagito pa siya sa liga, madalas manood ng sine at kumain sa labas.

“He’s a very nice guy. He helped me a lot especially in the first year” he mentioned referring to Westbrook, “In most of our trips we did something together, watch a movie, have dinner. When I went through all this and did not travel with the team, he kept in touch. He asked me to meet him for dinner,” ayon kay Abrines sa panayam sa Basket en Movistar+.

“He cared for the person beyond the player. He calmly told me what I should do noting that he would support me if I decided to leave.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?