29

Feb 9, 2020 @ 15:33
By

Westbrook emosyonal sa Staples vs Lakers

Emosyonal ang unang laro ni Russell Westbrook sa Staples Center matapos mamatay si Lakers great Kobe Bryant sa helicopter crash noong Jan. 26.

Kaibigan ang turing ni Westbrook kay Kobe.

“Definitely it was emotional,” aniya. “But knowing the relationship me and Kobe had, I know his mentality because I feel like we shared that. I know if he was here, I know what he would want me to do – and that’s to go out and play my ass off, and that’s what I did.”

Ang 41 points, 5 assists ni Westbrook ang sinandalan ng Houston Rockets para ibaon ang Los Angeles Lakers 121-111.

Ang performance na ‘yun din ang final steps para makuha niya ang dalawang milestones ng 12-year career.

Sumampa si Westbrook sa 20,000 career points at umakyat sa 14th ng career assists list sa 7,212. Sinamahan niya sina LeBron James at Oscar Robertson bilang tanging player na nakapaglista ng 20,000 points, 7,000 assists at 6,000 rebounds.

No. 46 si Westbrook sa 20K club, nasa No. 43 ang partner niya sa Rockets na si James Harden.

‘So thankful’ daw siya sa nangyari sa career at ‘blessing’ na makarating sa 20K points.

“Each night I go out and leave it on the floor, and that’s what I want to be known for, going out and playing my ass off every time and competing at a very, very high level that not many people can compete at,” litanya ni Westbrook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?