86

By

Westbrook, Embiid patuloy ang bangayan

Sa bawat pagtatagpo ng Philadelphia 76ers at Oklahoma City Thunder sa loob ng dalawa’t kalahating taon, asahan mo ang kawili-wiling laro dahil sa patuloy na nagkakagirian sina Thunder star Russell Westbrook at Sixers big man Joel Embiid.

Sa harap ng sellout crowd, nagpatuloy ang rivalry ng dalawa nang ma-foul ni Embiid si Westbrook 1:46 minuto ang nalalabi sa fourth quarter.

Nang maagaw ng Thunder ang bola, ipinasa kay Westbrook ang bola saka nito itinakbo sa fastbreak habang nakasunod si Embiid at nauna tumalon si Embiid ngunit nabitawan ni Westbrook ang bola kaya nabagsakan ng buong bigat ng katawan ng Sixers big man si Westbrook at doon ito namilipit sa sahig.

Pagbangon nito ay tangkang susugurin si Embiid ngunit napigilan ito ng kanyang mga kakampi.

Ayon kay Westbrook, sinamahan ito ng gulang ni Embiid. “I don’t think he just landed on me. He had a little extra to it. But it’s OK.” ani Thunder star.

Nang tanungin naman ng reporter kung sila ni Embiid ba ay ‘cool’, agad na sinagot ni Westbrook ito ng “Fu*k no!”

Paliwanag naman ni Embiid, hindi niya alam kung bakit galit si Westbrook dahil hindi naman ito sinasadya.

“I think I was going for the ball, and I think he lost the ball, but I was already in the air,” paliwanag ni Embiid. “I don’t know why he was mad. I have no idea … but he’s always in his feelings,” sabi pa nito.

“I don’t have to explain myself. But I was in the air, and I went for the block. I almost fell on him, and even went to the other side [of him]. So I have no idea what he’s talking about,” pagtatapos nito nang sabihin na ang akala ni Westbrook ay tinulak niya ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?