124
West Philippine Sea, kontrolado ng China - Panelo
By

West Philippine Sea, kontrolado ng China – Panelo

Tulad umano ng iba pang bansa na may claim sa West Philippine Sea, pagpoprotesta lang ang kayang gawin ng Pilipinas laban sa China.

Inamin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang China ngayon ang may kontrol sa pinag-aagawang isla.

“Sila ang may kontrol, as of now. Meron silang pwersa doon. We can only protest like any other country na may claim like Vietnam. Saka ‘yun lang ang magagawa natin. You want us to declare war against them?” paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Ito ang tugon ni Panelo sa video na inilabas ni opposition senatorial candidate Neri Colmenares kung saan ilang mangingisdang Filipino ang itinaboy sa Scarborough Shoal ng Chinese Coast Guard.

Sa Facebook video inilahad ng dalawang mangingisda kung paano silang pinaalis ng Chinese Coast Guard sa lugar.

Matatandaang dalawang dating opisyal ng gobyerno ang nagsampa ng kaso laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court dahil sa crimes against humanity.

Inakusahan nina dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario si Xi na nakagawa ng krimen sa Pilipinas at sa mga mangingisdang Pilipino kaugnay ng pinsalang idinulot ng pagtatayo ng mga isla ng China sa South China Sea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?