22

By ,

West balik consultant ng Clippers

Magbabalik sa Los Angeles Clippers si Jerry West sa susunod na season para maipagpatuloy ang kanyang trabaho bilang special consultant ng tropa, ayon sa balita ng LA Times.

Isang malaking bagay ang pagbabalik Clippers ni West lalo na ngayong summer kung saan umaasa ang mga ito na makakasikwat ng malaking isda sa free-agency.

Noong Hunyo 2017 naging bahagi ng Clippers ang longtime NBA executive at Lakers Hall of Fame guard na si West matapos nitong umalis sa Warriors bilang special consultant din.

“He’s a winner, and he wants to win. [Ballmer] will let Doc [Rivers] and Lawrence Frank make decisions, and hopefully I can help,” Sabi ni West noong 2017.

“That’s really all I care about. I don’t want to be the story. I don’t want to be the headline. I’m going to have the same role as I did up there.”

Mula nang maging adviser ng Clippers si West ng dalawang season ay nagkaroon ng pagbabago sa kanilang roster gaya ng pag-trade nito kay Chris Paul at Blake Griffin at hinayaan nito pumunta sa free-agency si DeAndre Jordan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?