692

By

Wedding gown ni Megan Young wala pang P4K

Pinuri ng mga netizen si Megan Young matapos malamang wala pang P4,000 ang suot nitong wedding gown sa isa sa dalawa nilang kasal ni Mikael Daez.

Sa Instagram, sinabi ng clothing brand na Zoo Label na “Baja silk dress” ang suot ni Megan, na ayon sa kanilang website ay nagkakahalaga ng P3,590.

Ito ang suot ng aktres sa intimate wedding nila na dinaluhan ng 10 katao.

Samantala, suot naman ni Miss World 2013 sa ikalawa at engrande nilang kasal ang dalawang wedding gown na gawa naman ng kanyang designer friends.

Bukod kay Young, tipid din ang wedding gowns nina aktres Rich Asuncion (P5,113) at ‘Wag na Wag Mong Sasabihin’ singer Kitchie Nadal (P799).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?