135

By

Weak! Pinuno ng PMA dapat mag-resign – Palasyo

Dapat magbitiw sa puwesto ang pinuno ng Philippine Military Academy (PMA) dahil tila hindi nito alam ang nangyayari sa institusyon.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos mamatay sa hinihinalang hazing ang kadeteng si PMA 4th Class Cadet Darwin Dormitorio.

Sinaad ni Panelo na galit umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa anumang uri ng pang-aapi, kaya tiwala siyang hindi palalampasin ng Pangulo ang ganitong uri ng insidente.

“If I were the superintendent and I will not know what is happening in the academy, then I have no business staying in my position,” ani Panelo.

Nagtataka umano ang kalihim kung bakit mayroon pang nagaganap na hazing sa PMA.

“How come there is still hazing there? When you are the boss, then you should be telling your underlings “I will not allow it, I’ll fire all of you,” saad ng tagapagsalita.

“If you are a weak boss, then this will happen,” dagdag niya.

Matatandaang may pinirmahang batas si Duterte noong nakalipas na taon na mas magpapatalim ng Anti-Hazing Law dahil sa pagkamatay ni Atio Castillo, isang law student sa University of Santo Tomas. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?