87

By

Water shortage sa Metro Manila iimbestigahan ng Senado

Binuksan ng Senado ang imbestigasyon sa water shortage na nakaapekto sa libu-libong tao sa ilang bahagi ng Metro Manila at sa lalawigan ng Rizal.

Isang hearing ang isinagawa ng Senate committee on public services na pinangunahan ni Senator Grace Poe sa pakikiisa ng ilang senador lalo na ni Senate President Vicente Sotto III.

Imbitado sa naturang pagdinig ang mga opisyales mula sa Manila Water Co., na sina operating officer Geodino Carpio, president Ferdinand Dela Cruz, at communications head Jeric Sevilla Jr.

Ayon kay Poe, maraming dapat ipaliwanag ang Manila Water na siyang nagproprovide ng water service sa east zone ng Metro Manila at kalapit na mga lalawigan.

Imbitado rin sa pagdinig sina Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, Environment Secretary Roy Cimatu, Public Works Secretary Mark Villar, Justice Secretary Menardo Guevarra, Bureau of Fire Director Leonardo Bañago.

Ang mga alkalde sa mga lungsod ng Metro Manila ay imbitado rin sa naturang pagdinig.

Kasama rin sa mga inimbitahan ang mga representative mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System, Local Water Utilities Administration (LWUA), National Water Resources Board (NWRB), at Maynilad Water Services, Inc., ang west counterpart ng Manila Water, at ang mga private stakeholder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?