53

By

Watanabe, Nakano humambalos ng ginto sa judo

Pumwersa sina Kiyomi Watanabe at Shugen Nakano para kubrahin ang tig-isang ginto sa judo event sa 30th Southeast Asian Games.

Napanatiling reyna sa 63-kilogram division ang 21-anyos na si Watanabe matapos makaiskor ng ilang ippon kontra sa nakatunggali.

Habang si Nakano naman ay wagi sa men’s -66 kg para ibulsa ang unang ginto ng Pilipinas sa judo ngayong edisyon ng SEA Games.

Samantala, nakasikwat ng silver si Gilbert Ramirez sa 81kg, tig-bronze naman sina Shugen Keisei sa 73kg, at Khrizzie Pabulayan sa -55kg.

Si Watanabe ay ang top judo player ng bansa, na malaki ang tsansang makasalang sa 2020 Tokyo Olympics dahil ranked 24 sa buong mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?