9,181

By

Wasak agad! Bangka na binigay ng Chinese sa mangingisda nahati

Hindi umubra sa malalaking alon ang bangka na pinagkaloob ng isang negosyanteng Chinese sa crew ng FB GEMVER.

Naging headline noong Hunyo ang crew ng naturang bangka matapos abandonahin ng Chinese ship sa West Philippine Sea.

“Pinaglaruan siya ng alon. Inangat ang hulihan tapos binagsak ang unahan, nabali ang gitna,” pahayag ni San Jose Vice Mayor Rod Agas sa ABS-CBN News patungkol sa binigay ng Chinese na bangkang FB Pengyou sa mga mangingisda.

Gawa umano ang FB Pengyou sa Batangas at nabili ng Chinese tycoon na si Xue Chengbiao ng Shanghai Jucheng Group saka ibinigay sa mga mangingisda.

Magugunitang na-rescue ang 22 Pinoy na mangingisda ng Vietnamese fishermen matapos silang abandonahin sa gitna ng dagat nang mabangga ang bangka nila ng Chinese ship malapit sa Recto Bank.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?